Dagupan City – Ipinaliwanag ng Commission on Elections (Comelec) Dagupan City ang pagsisilbi ng warrantless of arrest laban sa Vote Buying at Vote Selling.
Ayon kay Atty. Michael Franks Sarmiento, Election Supervisor ng COMELEC Dagupan City, bago pa umano lumabas ang komite sa “kontra bigay” sa ilalim ng Comelec Resolution No. 10946 layunin na umano ng Comelec na tuldukan ang vote buying sa bansa.
Kung saan, mas pinaigting ito sa nasabing resolusyon na may layuning labanan ang vote-buying at vote-selling sa panahon ng halalan. Isa na nga rito ang Vote-Buying at Vote-Selling na kumakatawan sa pagbibigay, pag-aalok, o pangako ng pera o anumang bagay na may halaga upang impluwensyahan ang sinuman na bumoto o hindi bumoto para sa isang kandidato. Kasama rin dito ang pagtanggap ng mga ganitong alok.
Kabilang din dito online vote-buying at vote-selling na isinasagawa digital o online banking transactions, pati na rin ang paggamit ng mga mobile wallet applications.
Dito binigyang diin ni Sarmiento na hindi lang ang aspiarante ang maaaring makulong kung naaktuhang ginagawa ang pagbili ng boto, kundi maging ang mga taong tumatanggap.
Hindi na rin kakailanganin pa aniya ng criminal procedure o warrant of arrest ng isang pulis kung nahuli sa akto ang isang indibidwal dahil awtomatiko na rin itong dadalhin sa presinto.
Sa ilalim naman ng omnibus election code imprisonment, kung mapatunayang guilty ang aspirante o indibidwal, mapaparusahan ito ng hindi bababa sa isang taon at hindi lalagpas sa 6 na taon. Dagdag pa umano ang at ang konsiderasyon na maging perpetually qualified ito at hindi na maaari pang humawak ng public service.
Nilinaw din ni Sarmiento na hindi matatawag pang kandidato ang isang aspirant hangga’t hindi pa nag-uumpisa ang campaign period.
Panawagan naman nito sa mga aspirante, tumalima sa mga pinirmahan na covenant at isa puso’t diwa ang laman ng peace covenant, isa na nga rito ang pagtupad sa mga rules na ipapatupad ng comelec at adhikain na magkaroon ng mapayapa at malinis na halalan.
Ani Sarmiento, idevelop at ipromote ang friendly, peaceful at free from threat ng vote buying, misinformation at disinformation campaigning at ituon na lamang ang sarili sa lakas at advocay platforms.