Niyanig ng magnitude 7.6 na lindol ang Caribbean Sea sa kanlurang timog ng Cayman Islands.
Ang lindol ay tumama nang 6:23 ng hapon lokal na oras sa gitna ng dagat at may lalim na 10 kilometro, ayon sa USGS.
Ang epicenter nito ay sa timog-kanlurang bahagi ng George Town sa Cayman Islands.
--Ads--
Ayon sa US National Tsunami Warning Center, walang tsunami alert para sa mainland US ngunit naglabas ng tsunami advisory para sa Puerto Rico at mga US Virgin Islands.
Hinimok ng Hazard Management Cayman Islands ang mga residente na malapit sa baybayin na lumikas patungo sa mataas na lugar.
Inaasahan ang taas ng alon na mula 0.3 hanggang 1 metro.