Nagtala ng malaking pagbaba ng mga index crime o focus crime ang Nueva Ecija Police Provincial Office mula Setyembre 2024 hanggang Enero 2025.
May 8 uri ng mga index crime sa bansa gaya ng Murder, Homicide, Physical Injury, Rape, Robbery, Theft, Carnapping, at Arson.
Ayon sa ulat, 50 bilang na mas kaunting insidente ang naitala kumpara sa nakaraang limang buwan.
Mas mababa rin ito kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon (Setyembre 2023 hanggang Enero 2024).
Maituturing na bunga ito ng mga estratehikong hakbang na ipinatupad ni PCOL Ferdinand D. Germino, ang Provincial Director ng Nueva ecija Police Provincial Office.
Kabilang sa mga ito ang pagpapatupad ng search warrants, pag-serve ng warrants of arrest, at mga intelligence-driven operations laban sa iligal na droga, baril, at kontrabando.
Pinalawak din ang Tactical Motorcycle-Riding Unit (TMRU) upang mapalakas ang mga patrol sa gabi at araw, na nagpapataas ng visibility at kakayahan ng pulisya na tumugon sa mga pangyayari.
Isa din sa mga naging epektibo ay ang programang “Success Stories on Checkpoints,” na nagbibigay-diin sa proactive at strategic na interbensyon ng pulisya.
Sa pamamagitan ng pagtugon na ito ay malaki ang naitulong nito sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa buong probinsya.
Binigyang-diin ni PCOL Germino ang kahalagahan ng paghahanap ng balanse sa pagitan ng kalidad at dami ng mga pagsisikap sa pagpapatupad ng batas.
Sa pamamagitan ng strategic at responsive na approach, patuloy na nagpapatibay ang Nueva Ecija PPO ng mas ligtas at mapayapang kapaligiran para sa mga residente ng Nueva Ecija.