Magkakaroon ng epekto sa nalalapit na halalan ang pag-impeach ng kamara kay Vice President Sara Duterte lalo na at nakita ng mga botante ang mga kongresista na pumirma sa nasabing impeachment gayundin ang mga sumuporta sa bise presidente.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Francis Dominick Abril – Legal/Political Consultant marahil ay malaki parin ang political capital ng Duterte family ay baka magamit nila ito bilang pagkakataon sa nalalapit na halalan.
Aniya na kapag nagbago na ang komposisyon ng congress o ng senado ay magbabago rin kung sino ang mga kakampi kay VP Sara o ilan naman ang papabor sa impeachment complaint laban sakanya.
Bagama’t ang impeachment ay hindi parte ng law making subalit ito ay paraan upang mahold na accountable ang isang opisyal.
Magsisilbi ding pagkakatoon ang sesyon upang sagutin o pasinungalingan ni VP Sara ang mga ibinibintang sakanya.
Kaugnay nito ay umaasa siya na sana maging makatarungan ang isasagawang pagdinig gayundin maging bukas ang mga senador sa ebidensiyang ipapakita.
Dapat ay masuri ito ng mabuti, mapag-aralan at mabusisi ng maigi ang mga dokumento.
Dagdag pa niya na magiging makasaysayan ito dahil kapag nagkataon ay kauna-unahang pangalawang pangulo na maiimpeach si VP Sara.
Ikinatuwa naman nito na ang pangyayaring ito ay malinaw na nagpapakita na nagiging gising na ang taumbayan at House of Representatives hinggil sa kamalayan sa konsepto ng transparency at accountability.