Naging makabuluhan ang isinagawangUnity Walk at signing of the peace covenant sa bayan ng Tayug ngayong araw sa pangunguna ng Commission on Election (COMELEC).
Dinaluhan ito ng ilang mga aspirante mula sa ibat-ibang partido sa bayan na tumatakbo sa kanya-kanyang posisyon at ilang mga government agencies na nakatutok sa magiging daloy ng eleksyon.
Ayon kay Estrella Cave ang Election Officer IV ng nasabing opisina na wala naman silang kinaharap na problema sa kasagsagan ng gawain.
Nasa 23 ang mga aspirante sa bayan kung saan 2 dito ay sa pagka-alkallde, 2 naman dito ang pagka-bise alkalde at 19 naman tumatakbong mga konsehal.
Aniya na hindi kompleto ang bilang ng mga aspirante na dumalo sa kaganapan dahil ang ilan sa kanila ay may importanting inasikaso.
Sa kabila nito, nasa maganda at maayos naman ang naging resulta ng pagsasama-sama ng mga aspirante kung saan nakita niya na masaya sila kaya sana aniya ay magpatuloy ito upang sa ganun ay mapanatiling maayos at ligtas ang nasabing lugar para maiwasan ang anumang negatibong epekto ng pag-aaway tungkol sa pulitika.
Sa tala ng opisina ng Comelec Tayug nasa 43 ang naitalaga bilang mga clustered precincts habang nahahati ang bayan sa 21 barangay kung saan nasa kabuuang 31, 945 ang mga rehistradong botante ang inaasahang makakapagboto sa darating na Mayo.