Dagupan City – Umabot sa 95% ng attendance ng mga aspirante dito sa Dagupan ang sumama sa ginanap ngayong araw na Unity Walk, Interfaith Prayer Rally & Peace Covenant Signing for peaceful and safe 2025 National and Local Elections na pinangunahan ng COMELEC Dagupan City.

Bukod sa mga aspirante sa Dagupan ay dinaluhan din ito ng ilang mga ahensya ng gobyerno gaya ng Department of the Interior and Local Government, Department of Education, Philippine National Police, kasama din ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting, at interfaith Group.

Ayon kay Atty. Michael Franks Sarmiento ang Election Supervisor ng nasabing opisina layunin nito ay mahikayat ang mga tumatakbo sa bawat posisyon ngayon nalalapit na halalan na tumalima sila sa adhikain ng Comelec na maging mapayapa at maayos ang eleksyon.

--Ads--

Ikinatuwa nito na maganda ang naging attendance ng mga lumahok at nakita niya na maaliwalas at maganda naman ang naging takbo ng kaganapan kanina maging sa pakikitungo ng bawat isa kaya inaasahan nito na habang papalapit ang eleksyon ay sana maging ganun parin ang trato sa bawat isa.

Aniya na ang inilatag nito ay mga dagdag na paalala sa mga dapat isaalang-alang ng mga aspirante gaya kung kailan ang umpisa ng magiging kampanya, mga prohibited campaigning, mga duties nila sa pagfile ng SOCE, pagsubmit ng list of watchers, pagtanggal ng mga posters 72 hours before the election day at pagtanggal ng election paraphernalia immediately after election.

Saad pa nito na nasa 27 ang kabuuang mga aspirante sa lungsod kung saan 2 dito tumatakbong mayor, 2 para sa vice mayor at 23 naman sa mga konsehal sa mga nabanggit na bilang na ito 12 dito ay nominees sa Nationalista party, 12 ang partido pederal nf pilipinas at 3 namang independent candidate sa City Councilor.

Kaugnay nito nasa 163 aniya ang mga clustered precinct na maaring pagbotohan sa election habang nasa mahigit 800 ang mga poll workers at nasa 489 ang mga electoral board dito na kinabibilangan ng 1 chairman, poll clerk at 3rd member at madadagdagan pa ng mga suppporting staff.