Dagupan City – Lubos ang nagging pasasalamat ang Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni Alaminos City Mayor Arth Bryan C. Celeste mula sa ibinahaging donasyon ng Philippine Army Finance Center Producers Integrated Cooperative (PAFCPIC) na pinamumunuan ni BGen. Fernando S. Zabat (Ret.).
Ang donasyong binigay ay may kasamang air compressor, diving gears, at iba pang kagamitan na makakatulong sa programa ng sustainable coral reef rehabilitation ng lungsod at sa pangangalaga ng Hundred Islands National Park. Kasama sa pagtanggap ng donasyon sina City Environment and Natural Resources Officer Rosalie S. Aruelo, Executive Assistant on Environment and Natural Resources Col. Manuel V. Velasco (Ret.), Task Force ISLA divers, at mga opisyal ng PAFCPIC.
Sa pangkalahatan, ang layunin ng donasyon ay upang makatulong sa pagpapabuti ng kalidad ng buhay ng mga residente ng lungsod at sa pagpapalakas ng ekonomiya ng lungsod sa pamamagitan ng sustainable tourism.