Dagupan City – Naniniwala si Congressman Raul Angelo “Jil” Bongalon na aandar at maisisilbi pa rin ang impeachment complaint kay VP sa kabila ng nalalapit na pagpapalit sa senado.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Congressman Atty. Raul Angelo “Jil” Bongalon, Representative ng Ako Bicol Partylist, ngayong nalalapit na kasi ang 2025 National Elections marami ang mga magiging pagbabago, isa na nga riyan ang pagpapalit ng 12 senador at ang posibilidad na mayroon ding mananatili sa pwesto.
Ngunit sa kabila nito, nauna nang ipinaliwanag ni Bongalon na aandar pa rin ang kaso dahil maaaring aralin at balikan ang records nito.
Kaugnay nito, umaasa naman siya na maisilbi ang tama at magdesisyon ang senado na naayon sa ebidensya at iprepresenta.
Ito kasi aniya ang nakikitang daan upang maisilbi umano ang “accountability” ni Vice President Sara Dutere sa mga kinakaharap na kaso.
Samantala, nakikitaan naman ang nalalapit na eleksyon bilang isang paghahanda ng mga karagdagang ebidensya sa bise.
Umaasa naman ito na hindi na magkakaroon pa ng panibagong rebolusyon dahil malaki ang magiging epekto nito sa bansa.
Sa kasalukuya, natanggap naman na ni Senate Secretary General Renato Bantug mula kay House Secretary General Reginald Velasco ang kopya ng articles of impeachment laban kay Duterte, matapos iendorso ng 215 miyembro ng Kamara ang impeachment complaint laban sa kaniya.