Dagupan City – Bumangga ang pakpak ng isang Japan Airlines Boeing 787 sa buntot ng nakaparadang Delta Airlines Boeing 737 sa Seattle-Tacoma International Airport.

Ayon sa mga awtoridad, nangyari ang insidente bandang 10:17 a.m. habang naghihintay ng deicing ang Delta flight 1921 patungong Puerto Vallarta. Wala namang naiulat na nasaktan, at ligtas na naibalik ang mga pasahero sa terminal bago ilipat sa ibang eroplano.

Bahagya lamang naapektuhan ang operasyon ng paliparan, at inaasahang magsasagawa ng imbestigasyon ang FAA. Wala pang opisyal na pahayag mula sa Japan Airlines.

--Ads--