DAGUPAN CITY- Umaabot sa 600 milyonng pisong halaga ng nakokolekta pagdating sa mga naiimport na produktong bigas, sea oil at fertilizer sa Port of San Fernando la union ayon Bureau of Customs.
Ayon kay Port of San Fernando District Collector Segundo Sigmundfreud Barte Jr., mula sa coal,bigas at lpg ang malaking nakokolekta ng kanilang tanggapan ngunit aniya na ang mga fuel na kinoconsume sa Rehiyon Uno at Cordillera Administrative Region (CAR) ang may malaking halaga.
Kaugnay nito ay layuning ng opisinang mas lalo pang palaguin at palawakin ang kanilang tanggapan sa Port of San Fernando para sa maitutulong nito sa buong rehiyon.
--Ads--