DAGUPAN CITY- Pinaalalahanan ng pulisya sa Mangaldan, Pangasinan ang mga may-ari ng baril na i-renew ang kanilang mga lisensya bilang pakikiisa para sa kaligtasan ng nalalapit na halalan.
Ayon kay PCPT Vicente Abrazaldo, Duty Officer ng PNP Mangaldan, binigyan nila ng babala ang mga hindi nakarehistrong baril dahil maaaring magresulta ito sa pag-isyu ng search warrant kung sila ay bigong magcomply sa kanilang himpilan.
Aniya, ilan sa mga gun owner na nagsurrender ng kanilang baril ay hindi na interesado sa mga ito kaya’t ipinagkakatiwala na nila ang mga baril sa kustodiya ng pulisya.
Ang mga baril na inilalagay sa deposito ay mga armas na nasa kustodiya ng pulisya habang ipinoproseso ng may-ari ang kanilang registration.
Paalala naman ni Abrazaldo, sumunod sa batas ang mga may-ari ng baril at agad na iparegistro ito at huwag ng hintayin na ang pulis pa mismo ang kumatok sa kanilang mga bahay.