DAGUPAN CITY- Pinapaigting ng Rosales Municipal Police Station ang ginagawa nilang Comelec Checkpoint sa kani-kanilang kakalsadahan para sa papalapit na eleksyon.
Ayon kay Pcpt. Eugene Romma Lete Navalta ang Deputy Chief ng nasabing tanggapan, na nagpapatuloy ang kanilang pagsasagawa ng checkpoints at motorcycle patroling ng kanilang mga kasamahan para matutukan ang kalagayan sa kanilang nasasakupan.
Aniya na sa kanilang pagpapatupad ng Comelec Gun Ban ay may naaresto na silang isang indibidwal dahil sa pagdadala ng baril.
Naaresto nila ito sa pamamagitan ng pagresponde sa isang tawag ng isang concern citizen dahil sa pag-aamok ng away ng nasabing suspek.
Kasalukuyan na aniyang nahaharap ito sa kaso sa paglabag sa RA. 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.