DAGUPAN CITY- Nararapat lamang ituro ang lenggwaheng ingles ngunit hindi dapat ito kapalit ng sarili nating lenggwahe.
Ito ang pahayag ni Prof. Xiao Chua, isang historian, hinggil sa “english only police” ng Pamantasan ng Cabuyao.
Aniya, nagmumukha lamang sa ganitong set-up na krimen ang mahalin at gamitin ang sariling wika.
Giit niya na hindi naman ito ang mag-uudyok sa bansa na maging ‘globally competitive’ dahil magiging balakid naman ito upang makilala nang lubos ang pagkakakilanlan ng ating pagka-Pilipino.
Katulad na lamang ng Japan at mga bansang hindi bihasa sa ingles na maituturing na maunlad.
Dapat lamang kase na matutunan muna ang sariling lenggwahe dahil hindi kasagutan ang nasabing polisiya upang umunlad ang bansa.
Bagaman mahahasa pa rin ang pag-ingles ng mga mag-aaral subalit, magdudulot lamang ito ng negatibong pananaw sa sariling atin.