DAGUPAN CITY- Lalo pang umunlad ang mga software o applications sa paggawa ng deepfake videos.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Tzae Umang, isang cybersecurity specialist, ang deepfake ay ang pagpatong ng pekeng mukha ng isang tao sa isang video upang magmukha itong makatotohanan at makagawa ng isang malicious o scandalous video.
Aniya, dati lamang ay ginagamit ito sa visual effects subalit, sa kasalukuyan ay inaabuso na upang makagawa ng krimenalidad tulad ng panloloko o scamming.
Lalo pa umano itong umunlad kung saan maging ang boses ng isang tao ay kaya na nitong kopyahin sa pamamagitan ng reconstruction ng video.
May mga real time features din ito kung saan i-uupload lamang sa nasabing software at kaya na nitong maglabas agad ng pekeng video.
Ayon naman kay Umang, may mga applications ngayon na nakakapagtukoy ng isang deepfake video.
Kabilang na rito ang online tool na ‘Deepware’ kung saan libre lamang ito gamitin.
Samantala, partikular na madalas mabiktima ng deepfake ay ang mga politiko at malalaking kumpanya.
Dagdag pa ni Umang, dapat matutong magdoble ingat sa online at hindi dapat basta-basta maniniwala sa nakikita. Dapat ay maging kasanayan ang pag-verify ng mga impormasyon.