Ipinagkaloob ang 16 na bagong rescue vehicles at mga medikal na kagamitan sa mga barangay sa bayan ng Mapandan upang mapabuti ang serbisyong pangkaligtasan at pangkalusugan.

Ang turnover na ito ay may layuning pagtibayin ang mga hakbang para sa agarang tulong sa oras ng sakuna.

Nakikita namana ang commitment ng lokal na pamahalaan na paigtingin ang mga serbisyong pangkaligtasan at pangkalusugan para sa mga residente.

--Ads--

Nagsagawa rin ng pagbabasbas sa mga bagong kagamitan bilang simbolo ng proteksyon at kaligtasan para sa mga gagamit nito.

Kabilang sa mga donasyong natanggap ng bawat barangay ay mga wheelchair at stretcher, pati na rin ang 25 hospital beds.

Alinsunod naman ito sa adbokasiyang “BHEA” (Basura, Health, Edukasyon/Employment/Entrepreneurship/Emergency at Agriculture).