Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command (Westmincom) ang kanilang monitoring sa paggalaw ng tatlong Chinese warships na namataan sa loob ng karagatan ng Pilipinas.

Sinabi ni LT. Gen. Antonio Nafarrete, namataan nila ng ilang araw sa Mindoro Strait ang nasabing tatlong warships kung saan binubuo ito ng isang frigate, isang cruiser, at isang oiler.

Kanilang sinusundan ito at kasalukuyang nasa Sibutu Strait. Patuloy naman nila itong kinukumpira kung ang tatlong chinese warships ay kabilang sa nalalapit na Komodo Exercise sa Indonesia.

--Ads--

Aniya, kung sasali nga ang mga ito sa Komodo Exercise ay kinakailangan pa rin nilang kumuha ng diplomatic clearance upang makadan sa sea lanes ng Pilipinas.

Gayunpaman, naniniwala si Nafarette na hindi nagfile ng diplomatic clearance ang China.