Mga kabombo! Nakarinig ka na ba ng isang tao ngunit hindi ito humihinga, naglalakad, tumatakbo, o kumakain? Tao ngunit hindi naman hugis tao?

Marahil mabibigla ka sa bansang New Zealand dahil sa ilalim ng kanilang batas, kinikilalang tao ang isang bundok.

Kabilang na ang Mount Taranaki sa mga tinuturing na tao at kasama nito ang Te Urewara o ang kilalang native forest sa North Island at ang Wanganui River.

--Ads--

Nangyari ito matapos mapagasunduan ng kanilang gobyerno at ng mga indigenous Maori tribes na mabigyan ito ng parehong karapatan at responsibilidad sa mga tao.

Dahil dito, may mas matibay nang kapangyarihan ang mga tribo na mapangalagaan ang kalusugan at kalagayan ng bundok, lalo na’t isa ito sa mga kilalang tourist spot sa bansa.

Gayunpaman, mananatili pa rin itong bukas sa publiko.

Ang nasabing bundok ay kilala sa kaniyang Maori name na Taranaki Maunga at may taas itong 8,261ft.