Dagupan City – Sugatan ang isang ginang sa lungsod ng Dagupan matapos mabangga ng tricycle habang tumatawid sa kahabaan ng Arellano St. sa lungsod ng Dagupan

Ayon sa pulisya, bandang alas 4 ng umaga kahapon, nang mangyari ang insidente.

Ang tricycle ay minamaneho ni Nelson Balbiran, 54 anyos,at residente ng Longos St., Brgy. Bonuan Boquig sa lungsod, at ang ginang naman ay kinilalang si Maria Mandilag, 65 anyos, at residente ng Brgy. Pantal.

--Ads--

Ayon sa imbestigasyon, ang tricycle ay tumatawid papuntang MH Del Pilar St. nang aksidenteng mabangga ang biktima habang siya ay tumatawid sa kalsada. Dahil dito, ang biktima ay nahulog sa kalsada at nagkaroon ng mga sugat sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan.

Agad namang isinugod sa pagamutan ang ginang para sa agarang pagpapagamot.
Nauna nang nilinaw ng pulisya na walang impluwensya ng alcohol ang drayber ng tricycle.