Dagupan City – Nakatakdang maghatid ng bigas ang NFA Pangasinan sa mga local areas na nagdeklara na ng food security emergency.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Shoreen B. Manglinong, Acting Assistant Branch Manager – NFA Pangasinan, on-goin na umano ang pag-tratransfer ng mga ito sa NCR dahil isa ang lalawigan sa mga kinokonsiderang surplus ng bigas.

Sa ilalim naman ng NFA RA 11203, pinag-isa na lamang ang branch ng NFA sa Pangasinan sa Eastern matapos na alisin na ang Western NFA branch.

--Ads--

Sa kabila nito, nanatili namang may naka-stock na 174,000 sa bodega ng western pangasinan, habang mas mataas naman sa Eastern warehouse na aabot sa 285,000. Sa kabuuan, nasa 459,388 na ito na inaasahang tatagal pa ng 13 araw.

Nilinaw naman ni Manglinong ang maling pagtingin sa kalidad ng bigas na NFA at sinabing sinisiguro nilang maganda ito para sa publiko.

Sa kasalukuyan, nanantiling mataas at sumobra naman ang target procurement ng lalawigan. Habang sinisiguro naman na galing ang mga palay na ito sa lokal na magsasaka.

Matatandaan na idineklara na ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr ang food security emergency sa rice at ibinase nito ang deklarasyon base na rin sa rekomendasyon mula sa National Price Coordinating Council.