DAGUPAN CITY- Napapanahon ang isinasagawang paghihigpit ng Land Transportation Authority (LTO), sa mga riders at drivers sa daan para sa kaligtasan ng nakararami.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Glemor Villanueva, Presidente ng Pangasinan Finest Riders Club, dahil sa mga naglipanang insidente at aksidente sa daan ay dapat lamang na maging disiplinado sa daan upang maging maayos ang kalagayan ng mga nagmamaneho sa daan.
Aniya, maraming nadadamay na mga rider dahil sa kawalan ng disiplina ng ilang mga nangmamaneho sa daan.
Dagdag niya, sana ay pag-aralang magbuti ng nasbaing aheniya ang lahat ng kanilang gagawing kahbang para na rin sa ikabubuti ng nakararami.
Nakadepende rin umano sa isang rider o driver kung isasabuhay niya ang mga tamang gawi at asal sa daan o gagawa ito ng ikasasama ng kaniyang kaligtasan.