Dagupan City – Hindi naging satisfied ang Convenor Kontra Daya sa naging katanungan sa mga tatakbong senador.
Ayon kay Prof. Danilo Arao – Convenor ng Kontra Daya, lumalabas kasi na ang mga katanungan ng mga ito ay nakatutok lamang sa pagdidiin at nagmumukhang pag-kondena.
Gaya na lamang umano ng katanungan na lumalabas na pagkondena sa umano sa mga Communist Party of the Philippines–New People’s Army (CPP-NPA), aniya, ang mahalagang pag-usapan sa nasabing debate ay ang resultang bakit nagdudulot ng pagkamatay ang red-tagging.
Tinawag naman ni Arao na “problematic” ang mga tanong sa nasabing debate dahil mistulang hindi umano nag-ingat ang mga ito sa mga issue na itatanong.
Sa mamamahayag aniya, napag-aaralan ang training sa journalism student’s kung paano nga ba ang kritikal na pagtatanong, ngunit sa lumalabas sa isinagawang debate, kwestyunable ang naging resulta.
Dahil mistulang nagpakita lamang ito na parang “enabler” sila sa red-taging at inulit lamang ang tanong mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Samantala, maganda naman aniya ang pakikilahok sa mga debate dahil nagpapakita lamang ito ng accountability.
Bukod naman sa pagboto, nanawagan si Arao na maging kritikal din ang publiko sa mga kandidato gaya ng vote-buying, pre-mature capmaigning, at ugaliing maghanda, magbantay, at kumilos.