Dagupan City – Isinasagawa sa lungsod ng Dagupan ang “Home Visit” program upang mabigyan ng medikal na atensyon ang mga residente, lalo na sa malalayong sitio at barangay.
Sa programang ito, direktang binibisita ng mga health workers ang mga pasyente upang magsagawa ng check-up at magbigay ng libreng gamot. Sa tulong ng Barangay Council at mga volunteers, mas maraming residente ang natutulungan.
Patuloy ang suporta ng lokal na pamahalaan upang mapalawak pa ang saklaw ng programang ito at mas mapabuti ang kalusugan ng komunidad.
--Ads--