Inaasahan na magiging normal ang presyo ng itlog at hindi aabot sa kakapusan ng supply nito sa mga susunod na buwan.

Ayon kay Engr. Rosendo So, chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan ito ay mangyayari basta nagnormalize ang stocks nito.

Sa ngayon ay normal pa rin ang presyo ng itlog at hindi ito nakikitang tumaas pa at sa katunayan ay mas mababa ang farm gate price na 5.83 sa medium size kumpara sa P7.00 na presyo sa nakalipas na apat na buwan.

--Ads--

Sa kasalukuyang presyo naman ng manok at baboy, nanatiling mataas ang presyo ng live weight na manok na umaabot sa 120-130 kada kilo habang ang retail price ay P185- P200 kada kilo, habang sa baboy ay nasa P240 kada kilo ang live weight at ang retail price nito ay P380.

Inaasahang babalik naman sa normal ang presyo sa susunod na buwan.

Samantala, bantay sarado ang pagpasok ng mga poultry products upang maiwasan na makapasok mga kontaminadong produkto.

Bagamat may vaccine na sa Avian Influenza ay di pa naaprubahan sa bansa at nasa trial pa na inaasahang matapos sa buwan ng Hunyo.

Nauna rito, inihayag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. nanagpatupad ng mga agarang hakbang ang Department of Agriculture (DA) upang maiwasan ang posibleng kakapusan ng itlog at pagtaas ng presyo dulot ng global bird flu crisis na nanganganib sa supply ng poultry.

Bilang tugon, pinapabilis ng DA ang pag-import ng mga manok na nangingitlog at ang agarang pag-apruba ng avian influenza vaccines mula sa Food and Drug Administration (FDA).