Dagupan City – Inilunsad ng Pangasinan Police Provincial Office ang kanilang bagong programa at proyekto na 2-hour habit para sa seguridad at kaligtasan ng mga residente sa probinsya.

Ang 2-hour habit ay ay isang proaktibong paraan upang sugpuin at pigilan ang kriminalidad sa probinsya. Ang programa ay naglalayong gawing kagawian ng mga kapulisan ang pagpapatrolya sa mga alanganing oras, partikular sa loob ng dalawang oras, upang mapigilan ang mga krimen at mga may masasamang hangarin.

Ang lahat ng police stations sa buong probinsya ay magpapatupad ng programa na ito, na magreresulta sa mas maigting na police omnipresence/visibility, kahit sa gabi, at magbibigay ng seguridad at kaligtasan sa publiko.

--Ads--