Inaasahang tataas ang presyo ng gasolina habang bababa naman ang presyo ng diesel at kerosene sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy (DOE).

Ayon kay Rodela Romero, assistant director ng DOE Oil Industry Management Bureau, batay sa pagtataya ng industriya mula sa international trading sa nakalipas na apat na araw, ang tinatayang pagbabago sa presyo ay ang mga sumusunod:

Gasolina – tataas ng P0.40 hanggang P0.70

--Ads--

Diesel – bababa ng P1.30 hanggang P1.60

Kerosene – bababa ng P0.85 hanggang P1.00

Kabilang sa mga dahilan ng posibleng pagbabago sa presyo ay ang panawagan ni dating Pangulong Donald Trump ng mas mababang presyo ng langis at mas mataas na produksyon sa US at iba pang pangunahing supplier, kabilang ang Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC).

Dagdag pa rito ang pagtaas ng oil inventory sa US at ang kawalan ng katiyakan sa posibleng pagpataw ng taripa ng US sa Canada at Mexico.