Dagupan City – Inihayag ng Department of Environment and Natural Resources – Environmental Management Bureau Region 1 na tumaas ang bilang ng mga Local Government Unit at iba pang ahensya ng gobyerno ang sumusunod sa probisyon sa pagpapababa ng pagkakaroon ng basura.

Ayon kay Engr. Nicanor C. Esteban, OIC Regional Director ng nasabing tanggapan na sa ito ang naging datos sa nakalipas na taon sa pakikipagtulungan na din ng iba’t ibang sektor sa pamamagitan ng kanilang ginagawang estratihiya patungo sa Zero Waste Lifestyle.

Aniya na bilang pakikiisa sa Zero Waste Month ng ahensya ay patuloy ang kanilang pagsusulong sa proper waste segregation, recycle ng mga kagamitan, paggamit ng reusable material at pagsasagawa ng clean up drive sa ibat-ibang lugar sa buong rehiyon.

--Ads--

Dagdag nito na nasa 100 sa kabuuang 125 na mga local government unit o nasa 85.6% sa rehiyon ang may 10-year solid waste management plan, 56.8 % naman dito ang may sariling sanitary landfill habang 43. 2 % ng mga LGU ang nagkaroon ng mga Memorandum of agreement sa ibang LGU na may pasilidad na ito.

Saad pa nito na nasa 100% naman na mga LGU sa rehiyon ay may mga pinapatayong material recovery facility at may kanya-kanya din silang ordinansa sa pagtutok sa usapin ng basura.

Kaugnay nito nagiging hamon parin sa mga Lokal na pamahalaan na wala pang aprubadong 10-year solid waste management plan ang pagkakaroon ng waste strategies at iba pang tungkulin para maayos ang problema sa basura sa kanilang lugar.

Sa kabila nito, nagkakaroon naman sila ng teachnical assistance, coaching at review sa plano ng mga ito para sa pagsasaayos ng waste management kaya patuloy ang kanilang monitoring na nakasaad sa Republic 9003 o ang ecological solid waste management act of 2000.

Samantala, sa February 6 ay magaganap ang kanilang National Ecological Solid Waste Management SUMMIT na dadaluhan ng mga private sektor, Government Agency at ilang opisyal ng LGU upang mapalakas ang ugnayan ng bawat isa sa pagtugon sa usapin ng basura sa bansa.