Dagupan City – Ibinahagi ni Joey De Leon, Fishpond operator sa Dagupan City ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit nagkakaroon ng fishkill.

Aniya, isa nga sa mga ito ay ang mga “uneaten feeds o Decomposing fish food” kung saan kapag naipon ay malaki ang posibilidad na minsanang puputok ang mga ito, dahil na rin sa kinokontamina ito ng ammonia, nitrites, nitrates, sulphur compounds at iba pa.

Aniya, kapag nagkataon, dito na uusbong ang fishkill dahil magsisilbi na itong lason sa mga alagang isda.

--Ads--

Kaya’t aniya, hangga’t maaari ay magpakain ng mga isda kapag mainit ang panahon.

Ito kasi aniya ang isa sa mga naging aplikasyon niya na naging epektibo naman para sa kaniyang mga alagang bangus. Kung saan, ang dating ala-7 ng umaga na kaniyang pagpapakain sa isda, ngayong tag-lamig ay nagiging alas-10 at alas-3 na lamang depende na rin sa klima.

Nauna naman nang ipinaliwanag ni De Leon na nagiging mabagal ang paggalaw ng isda kapag malamig ang panahon, ngunit bagama’t mas matagal ang paglaki ng mga ito kumpara sa summer season, pareho pa rin naman aniya ang konsumo ng kanilang pinapakain.

Sa kasalukuyan, wala pang nakukuhang datos sa bayan ng Binmaley na may mababang dissolve oxygen o gataw at nasa good condition pa rin ang mga ito.

Mensahe naman ni De Leon, kung nakakaranas ng pagsubok sa pagpapalaki ng bangus, maaaring dumulog sa kanilang grupo at iba pang grupo ng mga mangingisda sa Pangasinan upang tulungan ang mga ito at malaman ang karampatang aksyon.