Dagupan City – Nagkaisa ang mga tauhan ng Dagupan City Police Station, kasama ang mga 4ps beneficiaries upang magbigay ng tulong sa pagpapagawa at pagpaparenovate ng mga bahay sa Barangay Bonuan Boquig, Dagupan City.
Ang aktibidad ay isinagawa sa ilalim ng proyekto ng City Link – COO ng Dagupan City.
Ang proyekto ay bahagi ng DSWD’s Convergence Innovation program na tinatawag na “Kalakal Namin, Bayanihan sa Kapwa 4Ps Namin.” Layunin ng proyekto na matulungan ang mga pamilyang nahihirapan sa kanilang kalagayan, partikular sa mga aspeto ng pabahay. Sa pagsasama ng mga ahensya ng gobyerno at mga komunidad, nagsisilbing tulong sa mga pamilyang nangangailangan ang mga gawaing ito.
Upang magtulungan sa proyekto, ang mga benepisyaryo ng 4Ps ay nagtipon ng mga basura at sinuri ito upang maibenta. Ang mga kita mula sa benta ng mga solid waste ay ginamit upang bumili ng mga materyales para sa pagpapagawa at pagpapaganda ng mga bahay ng mga piling pamilya. Dahil dito, napabuti ang kalagayan ng mga tahanan ng mga pamilya sa naturang lugar.
Samantala, Ang mga pondo mula sa nasabing proyekto ay nagbigay ng konkretong solusyon sa mga problema sa pabahay at nagpatibay sa diwa ng bayanihan sa lugar.