Dagupan City – Nakatakdang isagawa ang Voter’s education sa mga kabataan ng bayan ng Calasiao bago ang midterm election 2025.
Ayon kay Calasiao SK Federation President Councilor Narayana RSI Das Mesina, layunin umano ng aktibidad na mabigyang kaalaman ang mga kabataan hinggil sa korapsyon at kung papaano nga ba ang pagpili ng mga iboboto.
Aniya, ang isang katauhan umano ng tama at karapat-dapat na lider ay maroong good governance at marunong makinig.
Ang good governance ay ang mahigpit na pagpapatupad ng transparency measures, pagpapalakas ng anti-corruption efforts, at pagbibigay ng mas maraming oportunidad para sa pakikilahok ng publiko sa paggawa ng mahahalagang desisyon sa pamahalaan.
Samantala, hinikayat naman ni Narayana ni ang mga kabataan na makilahok sa mga aktibidad ng mga Sanggunian ng Kabataan Officials upang magkaroon ng pagkakaisa ang bawa’t nasasakupan ng mga ito.