Inaasahan na aabot pa ng ilang araw bago malaman ang kadahilanan ng salpukan ng isang American passenger jet at US Army Black hawk helicopter at bumagsak sa napakalamig na Potomac River malapit sa Reagan Washington National Airport.

Sa Panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Isidro Madamba, Bombo International News Correspondent sa Estados Unidos, nakakalungkot dahil walang nakaligtas sa salpukan na itinuturing na pinakamalaking trahedya sa himpapawid simula 2021

Sa kasalukuyan ay nasa 28 katawan na ang narekober ngunit hindi pa pinapangalanan ng mga kinaookolan.

--Ads--

Isinalarawan ni Madamba na malawak ang Potomac River kung saan buimagsak ang dalawang sasakyan.

Sinabi nito na isa sa nakikita rito ay hindi normal ang air traffic sa panahon ng insidente. Iisa lang umano ang
nagmamando sa air traffic sa airport tower.

Samantala, ayon naman kay Des Baker, Bombo International News Correspondent sa Estados Unidos, maaaring tumagal ang imbestigasyon sa insidente.

Aniya, maraming factors ang tinitiggnan na maaring sanhi ng insidente kung saan isa na rito ang failure ng equipment ng dalawang aircfrat at failure sa communication.