Umabot na sa higit 2 milyong pisong halaga ng livelihood program ang naihandog ng Department of Labor and Employment Central Pangasinan sa mga sa mga kwalipikadong benipisyaryo sa kanilang nasasakupan bago matapos ang buwan ng Enero.
Ayon kay Rhodora Dingle – ang Officer in Charge ng nasabing opisina na ito palang ang pondo ng 2024 na ini-implement para sa 2025 kung saan marami pa ang nakalinya na schedule na mga awarding sa buong central pangasinan para matulungan ang mga kwalipikadong indibidwal na mabigyan ng pangkabuhayan.
Aniya na maganda ang pasok ng 2025 sa kanilang opisina kung saan sinimulan na nila ang pagbibigay ng awarding para sa livelihood program noong Enero 7.
Ilan sa mga bayan na may benepisyaryong na-identify na pasok sa kwalipikasyon na mabigyan ay sa bayan ng Bayambang, San Jacinto, San Fabian, Sta. Barbara, Manaoag, Mapandan, at Malasiqui,
Kabilang sa mga nakatanggap dito ay mga magulang ng Child laborer, Parolies, Tesda Graduate ng Bread and Pasty and Shilded metal Arc Welding (SMAW) at mga indibidwal na self employed na walang pinagkakakitaan.
Kaugnay nito na ilan sa mga proyekto na naibigay sa mga ito ay nakapaloob sa Consumer Product Retailing Project na nagkakahalaga ng 30 thousand Pesos bawat isa, Provision of livelihood kits at street food vending project.
Dagdag pa nito, na katuwang nila dito ay ang mga Public Employment Service Officer sa bawat LGU at mga lokal officials upang marami pang mabigyan ng tulong na kanilang inihahandog .
Bukod dito ay marami pang programa ang inaalok ng kanilang tanggapan gaya ng Special Program for the Employment of Students, GIP, TUPAD at iba pa kaya panawagan nito sa publiko na huwag mag-atubiling pumunta sa kanilang opisina upang matulungan sila at maendorse sa mga programang nararapat o pasok sa kanila.