DAGUPAN CITY- Naitala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Dagupan ang mababa at pinakamalamig na temperatura ngayong araw.

Ayon kay Engr. Jose Estrada Jr, Chief Meteorologist, PAGASA Dagupan City na nagsimula pa nang nakaraang araw ang naitatalang mababang temperatura na kung saan nakapagtala ng 21.42 °C at ngayong araw ay naglalaro sa 21. 4°C dito sa lalawigan ng Pangasinan at nararanasan ang malamig na panahon dahil sa Northeast Monsoon o Amihan.

Anya na Asahan pa ang mas malamig na panahon sa mga susunod na araw dahil sa paglakas ng amihan ngayong lingo ng enero hanggang sa unang linggo ng Pebrero.

--Ads--

Dagdag pa ni Estrada, na ang malamig na panahon ay nakakapagdulot ng mga iba’t ibang sakit sa mga bata at Kahit sa mga matatanda dahil sa paiba-ibang temperatura kaya kinakailangan ang pag-iingat sa pamamagitan ng mga proteksyon kapag nasa malamig na lugar.

Samantala, wala naman silang nakikitang bagyo o low pressure area.

Inaabisuhan na lamang nila ang mga mangingisda sa malalakas na alon sa karagatan na maaaring magdulot ng panganib sa kanilang pagpalaot.