Dagupan City – Papauwiin na sa Pilipinas ang 24 Filipino sa Estados Unidos dahil sa ilegal na gawain, habang nakatakdang ma-deport naman ang 80 iba pa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Marissa Pascual, Bombo International News Correspondent sa California, ito’y matapos na masangkot ang mga ito sa “petty crimes” ayon na rin sa naging pahayag ng Philippine Ambassador to the US na si Jose Manuel Romualdez.

Kung saan nadiskubre din na nasa 80 iba pang Filipino ay sumasailaim na rin sa deportation at naghihintay ng repatriation dahil na rin sa ilang mga kadahilanan gaya ng illegal stay sa bansa.

--Ads--

Sa kabuuan, nasa1.3 milyong immigrants na ang na-proseso, at karamihan sa mga ito ay may kaugnayan umano sa mga kriminal na aktibidad at gang.

Payo naman ni Romualdez na makipag-ugnayan sa Philippine Embassy upang tumulong sa mga Pilipinong apektado ng immigration crackdown at sa katunayan ay may ilang employer din ang tumutulong sa mga undocumented Filipino workers na mag-secure ng legal na status sa pamamagitan ng sponsorship.

Ayon kay Pascual, isa umano ito sa patunay na may isang salita si US President Donald Trump, sa pangako nitong pagpapalayas ng mga iligal migrants partikular na sa Chicago, Atlanta, Los Angeles at Austin, Texas. At nagpapatuloy ang kanilang pag-aresto dalawa o tatlong beses sa isang linggo.

Nauna nang binigyang diin ni Pacual na ang mga “undocumented individuals” na nananatili sa bansa ay isa sa tinatawag nilang taga-kuha ng karapatan ng mga legal na naninirahan sa Estados Unidos, dahil ang mga benepisyo umano na silang dapat na nakakakuha ay naibibigay pa sa mga ito.