Matagumpay na isinagawa ngayong araw ang ‘Ausome Walk’ na may temang “Stride with Pride: Celebrating Every Step of the Ausome Journey!” ng Dagupan Autism Society Incorporated (DASI).
Ang DASI ay isang non profit oragnization na binubuo ng komunidad ng mga magulang na may anak na may autism.
Ayon kay Elaine Estrada – President, Dagupan Autism Society Incorporated (DASI), ang Ausome Walk ay isa lamang sa mga programa na kanilang isinisagawa kada buwan bilang pakiki-isa sa pagpapahalaga ng mga batang may autism.
Aniya na ito ay parte ng kanilang pagdiriwang sa National Autism Consciousness Week at Autism Month na may layuning makamit ang inklusiyon at pagtanggap sakanila ng komunidad.
Dinaluhan ito ng halos 300 miyembro ng organisasyon mula sa syudad ng Dagupan, bayan ng Calasiao, Sison at Pozzorubio.
Marami pa umanong nakahandang programa para sa mga magulang, guro, at ilang mga advocates at supporters ng mga batang may autism kagaya na lamang ng pagsasagawa ng Seminar at Workshop.
Dagdag pa ni Estrada na nag-umpisa ang kanilang organisasyon taong 2011 at dati lamang silang binubuo ng 6 na mga magulang at nagsisilbing support group lamang ito noong una.
Unti-unting nadagdagan ang kanilang mga miyembro at taong 2023 nang isapubliko ang kanilang organisasyon.
Ikinatuwa naman ni Jenesse Viktoria Mejia – Limgas na Pangasinan 2024 – Grand, na napabilang siya sa aktibidad na ito kung saan ay inihayag din niya ang kanyang pakiki-isa na maipakita sa mga tao ang pagiging inklusibo ng mga batang may autism at ganun na rin ang pagtanggap ng komunidad sakanila.
Aniya na kitang-kita niya kung gaano nga ba sila kagaling, talentado, at talino.
Dagdag pa niya na maganda ang ganitong klaseng organisasyon at programa lalo na’t nadadagdagan ang datos ng mga taong may autism.