Parte ng demokrasya at malayang pagboto ang pakikilahok sa isang diskusyong pampubliko subalit hindi maaaring pwersahing padaluhin ang mga kandidato sa mga debate marahil ito ay makwekwestiyon lamang.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Francis Dominic Abril – Legal/Political Consultant walang kapangyarihan ang Commission on Elections (COMELEC) sakaling pwersahin o piliting padaluhin ang mga kandidato para sa isang debate.

Bagama’t aniya ay mahalaga ito upang mas makilala ang mga kakandidato ng husto subalit may mga rules ang regulations na kinakailangan nilang sundin.

--Ads--

Bukod dito ay may mga guidelines din na dapat ay maipakita gayundin ang mailusot ang mga legal requirements para dito.

Marahil ay mga iba’t ibang paraan na ang mga kandidato upang maabot ang mga botante gaya na lamang ng social media at mga tv guestings.

Samantala, hinggil naman sa mga campaign jingle na talamak sa kasalukuyan aniya dapat ay masigurong hindi ito nakaw dahil ang pagnanakaw in any form gaya na lamang ng paglalapat ng lyrics sa tono ng orihinal na kanta ay paglabag sa Intellectual Property.

Dahil kung simpleng awitin o ritmo ay ninanakaw, paano pa kaya ang kaban ng bayan.

At kung sakali mang mapatunayan na lumabag dito ay patong patong na kasong administratibo, gayundin ang criminal cases na damay din ang mga tumulong sa pagnanakaw ng jingle ng walang pahintulot sa composer.

Kaya’t payo nito sa publiko lalo na ngayong papalapit na ang eleksiyon na mahalaga ang mga plataporma at ilalaan na programa ng mga kakandidato at kung wala itong mission o vission ay isa itong ‘red flag’.

Dapat ang pagboto ay hindi dahil sa kamag-anak ang kakandidato o dahil pogi ito mahalaga na ito ay merit based dahil kung hindi ay idinadamay lamang ang iba sa desisyon na gagawin sa pamamagitan ng pagboto.