Dagupan City – Nagdaos ng pulong ang Lokal na Pamahalaan ng Mangaldan noong Enero 22 kasama ang mga kinatawan mula sa Santo Tomas Catholic School (STCS), Clarice Angels School (CAS), at Cherished Moments School (CMS). Tinalakay nila ang mga plano para sa pamamahala ng daloy ng trapiko sa mga paparating na aktibidad ng mga paaralan.
Tiniyak naman ng Lokal na pamahalaan ng Mangaldan kasama ang Municipal Traffic Regulatory Group (MTRG), na magbibigay ng kinakailangang tulong ang LGU upang mapanatili ang maayos na daloy ng trapiko sa mga nasabing kaganapan. Makikipagtulungan din ang mga lokal na ahensya tulad ng Mangaldan Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine National Police (PNP) upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.
Ang Cherished Moments School ay magsasagawa ng Lantern Parade sa Enero 28 bilang bahagi ng kanilang pagdiriwang ng Founding Anniversary. Ang Santo Tomas Catholic School naman ay magdaraos ng isang fun run sa Enero 29 at susundan ito ng parada para sa Mr. and Ms. STCS sa Enero 31. Habang ang Clarice Angels School (CAS) ay magtutuloy ng fun run sa Pebrero 14.
Upang matiyak ang kaligtasan at maayos na daloy ng trapiko, magpapatupad ang LGU Mangaldan, sa pamamagitan ng Public Order and Safety Office (POSO), ng mga angkop na hakbang at regulasyon.