Dagupan City – Mayroong datos na nagpapakita na nasa alarma at seryosong problema na ang kinakaharap ng bansang Pilipinas sa teenage pregnancy.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Michael Henry Yusingco – Political Analyst, mas mabibigyang linaw ang publiko sa Adolescent Pregnancy Prevention Bill pagkatapos idaan ito sa Inquiries in aid of legislation.

Aniya, hindi lamang kasi ito basta lamang batas na may layuning magpasikat ng relihiyon at moralidad, kudi para tulungan ang mga kabataan na maging mulat sa nasabing usapin.

--Ads--

Isa kasi aniya ang Adolescent Pregnancy Prevention Bill sa nakikitang solusyon sa bansa upang matulungan ang pagpapababa ng datos sa teenage pregnancy.

Ngunit kaakibat nito, kinakailangan muna aniyang dumaan ang batas sa Inquiries in aid of legislation upang dito maipaliwanag ng mga eksperto ang kanilang mga hinaing, ideya at justification. Dito na nga papasok ang mga Child Sociologists, Pediatricians, Child Welfare Professionals, at mga guro para marinig ang kanilang mga punto.

Dahil ani Yusingco, kahit ang publiko kasi ay hindi alam ang tamang sagot para rito, kung napapanahon na nga ba na magkaroon ng sex education ang mga kabataan.

Samantala, katawa-tawa naman aniya ang ginawang pagbawi ng 6 na senador na sina Senators JV Ejercito, Nancy Binay, Cynthia Villar, Bong Go, Bong Revilla at Jinggoy Estrada sa kanilang suporta para sa panukalang batas dahil nagmumukhang sunod-sunuran lamang ang mga ito sa pangulo.

Dahil una sa lahat aniya, bakit sila pumayag pa na maging co-author na lagdaan ang batas kung mukhang hindi naman pala aniya nila binasa ito.

Tinawag naman ni Yusingco na mali ang naging reaksyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa batas dahil una sa lahat, hindi pa ito naipapasa sa kaniya at ang may alam lamang ay ang mga may panukala, kung kaya’t mali ang reaksyon niya dahil naging prejudicial sa justice at may tiyansa na mawala sa landas na maghanap pa ng solusyon sa problema.