DAGUPAN CITY- Apektado na rin ang ilang mga taniman, partikular na sa tanim na mga sibuyas sa Nueva Ecija dahil sa pag-atake ng harabas o army worms na maaaring humantong s apagakalugi.

Sa panayam ng Bombo radyo Dagupan kay Mark Paul Rubio, isang magsasaka sa Nueva Ecija, hindi man lahat, ngunit may ilang mga sakahan sa lalawigan ng Nueva Ecija na apektado ng pag-atake ng army worms o harabas kung saan pinangangambahan ito ng mga magsasaka.

Aniya, kailangan ng ibayong pag-iingat at matinding prevention plan upang maiwasang ang pag-atae ng nasabing peste sa mga taniman.

--Ads--

Ugaliin din aniya ang pag-spray ng mga presticides dahil malaki ang maitutulong nito sa pangmatagalan.

Dagdag niya, malaki ang epekto o pinsala ng mga harabas sa taniman at maaari itong humantong sa pagkalugi.

Samanatala, may pangamba rin ang mga magsasaka sa mga bili-balitang tataas ang resyuhan ng sibuyas sa merkado dahil sa pag-atake ng peste sa mga taniman.

Aniya, apektado hindi lamang ang mga magsasaka kundi pati ang mga consumer dahil sa farm gate na maaaring itakda.