DAGUPAN CITY- Hindi naman maikakailang dalawa lamang ang kasarian, lalaki at babae, subalit ikinalulungkot pa rin ng LGBTQ+ community sa Estados Unidos ang Gender Policy ni US President Donald Trump.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Lexi Austria, Bombo International News Correspondent sa USA, bagaman may karapatan sa Estados Unidos na magpalit ng kanilang kasarian subalit may mga pagbabago nang ipapatupad dahil sa polisiya.
Aniya, tila nawala ang lahat na kanilang naabot sa pagpapalit ng kanilang kasarian sa isang iglap lamang.
Maaari pa rin nilang ipahayag ang kanilang saloobin kaugnay sa issue subalit, giit niya na Presidente pa rin ang nagdesisyon nito at tanging ordinaryong mamamayan lamang sila.
Gayunpaman, wala pa anila silang nakikitang makakaapekto ito sa mga trabaho, subalit magbabago lamang ang pagtanggap sa mga transgenders sa isang komunidad.
Samantala, wala naman nabanggit si Trump na hindi siya pabor sa LGBTQ at hindi naman sila tinanggalan ng karapatan, ngunit magpapatupad lamang ng mga ordinasa.
Sa kabilang dako, hindi aniya mahalagang lahat ng undocumented immigrants ang maaapektuhan ng mass deportation.
Ani Austria, kinakailangan pa rin kase ng mga karagdagang workforce sa Estados Unidos lalo na sa pagsasaka.
At ang papatalsikin lamang ay ang mga undocumented immigrants na may kaso.
Umaasa naman si Austria na magbubunga ang pangalawang termino ni Trump bilang presidente.
Hiling na lamang nila na magtuloy-tuloy ang progreso ng Estados Unidos lalo na sa ekonomiya nito sa pamamagitan ng pagiging negosyante nito.