Naka alerto ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan at binabantayan ang kaso ng Monkeypox (Mpox) matapos na makapagtala ng unang kaso sa lungsod ng Baguio.

Ayon kay Pangasinan Vice Governor Mark Ronald Lambino, may sinusunod na standard health protocols na pagdating sa anumang sakit.

Sinabi nito na parating nakaalerto ang mga personnel ng probinsya at handang ipatupad ang nasabing protocol kung kinakailangan.

--Ads--

Sa ngayon ay wala pang naitatalang kaso dito sa lalawigan.

Matatandaan na naitala sa lungsod ng Baguio ang unang kaso ng Mpox.

Napag-alamang ang unang kaso ng Mpox sa lungsod ay sa isang 28-anyos na lalaki.

Gayunman,isinailalim ito sa complete isolation at tuluyang gumaling noong Enero 17 ng taong kasalukuyan.

Ilan sa sintomas ng Mpox ay ang pagkakaroon ng rash, pantal, o pimples o paltos na nagtatagal nang dalawa hanggang apat na Linggo.