Sa pamamagitan ng inisyatiba ng Municipal Health Office – RHU 1 at RHU III, PhilHealth, isinagawa ang isang medikal na konsultasyon at Konsulta Caravan para sa mga empleyado ng LGU Lingayen.
Layunin nito na itaguyod ang kalusugan at kagalingan ng mga local na manggagawa sa bayan at tinitiyak na mayroon silang access sa mahahalagang serbisyong pangkalusugan.
Sa kabuuan, 272 empleyado ang nabigyan ng medikal na konsultasyon at libreng gamot. Bilang bahagi ng aktibidad, nagpamahagi rin ng libreng Random Blood Sugar (RBS), Uric Acid at Cholesterol tests, at pamamahagi ng mga salamin sa mata sa pakikipagtulungan sa Mac Rovillos Optical.
Alinsunod sa layunin ng Universal Health Care, isinagawa rin ang libreng PhilHealth membership at registration sa Konsulta Caravan.
Ang inisyatibang ito, sa pakikipagtulungan sa PhilHealth, ay tinitiyak na ang mga empleyado ng pamahalaang local na may access sa komprehensibong saklaw ng kalusugan, na naglalapit sa pagbibigay ng pantay na oportunidad sa kalusugan para sa lahat.