Hindi tama at hindi magandang tingnan na nagkakalat ng maling impormasyon ni dating pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa alegasyon nito na may pinirmahang blangko sa 2025 national budget.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Michael Henry Yusingco – Political Analyst politically driven lamang ang naging paratang ni Duterte na aniya ang pakay ay upang bawasan ang tiwala ng tao kay Marcos o di naman kaya ay mabawasan ang tiwala sa kasalukuyang administrasyon.

Saad nito na ang nasabing budget ay isang batas at dumadaan muna ito sa kongreso at senado bago makaabot sa opisina ng Pangulo nangangahukugan na hindi maaaring gumawa ng batas kung may blankong kondisyon.

--Ads--

Ito ay upang masiguro na ang mga nakasulat ay tama at hindi mali.

Dagdag pa ni Yusingco na dapat ay maging maingat si Duterte sa mga binibitawang salita dahil marami parin ang naniniwala sakanya.

Gayunpaman, dapat ay maging kritikal naman ang publiko at huwag basta-basta magpadala sa sinasabi ng dating pangulo.