Hindi bababa sa 300,000 metric tons (MT) ng bigas ang bibilhin ng National Food Authority (NFA) ngayong 2025.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., na siya ring chairman ng NFA Council, bibili ang ahensiya ng kaparehong halaga ng bigas noong 2024, para ma-cover ang 15 araw ng national consumption tulad ng minamandato ng amended Rice Tariffication.

Sa ilalim ng mandato nito, ang NFA ay inatasang panatilihin ang sapat na rice buffer stocks na pangunahing kukunin mula sa local farmers. Sa kanilang panig, sinabi ng ahensiya na may mandato rin itong i-dispose ang 99.9% ng stocks “in good and consumable condition.”

--Ads--

Nauna rito ay sinabi ng kalihim na ang pagbabalik sa P10-billion budget cuts para sa rice program ay magpapahintulot sa ahensiya na magpatupad ng mga istratehiya na naglalayong makamit ang original target na 20.46 million metric tons ng palay ngayong taon.

Samantala, inaasahang magdedeklara ang DA ng food security emergency sa bigas sa harap ng mataas na presyo pa rin ng butil.