Mga Ka-Bombo! Naniniwala ka ba sa lahat ng iyong research sa websites?

Gaano ka ba ka-kampante na lahat ng iyong nakakalap na impormasyon ay tama?

Isang lalaki kasi ang nagbahagi sa social media na isang AI chatbot ang sumalba sa kaniyang buhay niya matapos matukoy ang isang malubhang sakit.

--Ads--

Ayon sa lalaki, nakaramdam siya ng matinding pananakit ng katawan matapos mag-ehersisyo, kaya’t nagdesisyon siyang magtanong sa isang chatbox.

Ipinayo ng chatbot na magtungo siya agad sa ospital dahil ang kanyang mga sintomas ay tumugma sa rhabdomyolysis, isang kondisyon kung saan mabilis na nasisira ang muscle tissue at maaaring magdulot ng komplikasyon tulad ng pinsala sa bato, acidosis, at electrolyte imbalance.

Matapos magpatingin, nakumpirma na mayroon siyang ganoong sakit at kinailangan niyang manatili sa ospital ng isang linggo para sa gamutan.