DAGUPAN CITY- Matapos ianunsyo ng Commission on Elections (COMELEC) na kabilang ang bayan ng Mangaldan sa area of concern o nasa yellow category sa papalapit na eleksyon, nakaalerto ang PNP Mangaldan para masiguro ang seguridad ng mga residente sa bayan.

Ayon kay PCAPT Vicente Abrazaldo, Deputy Officer ng PNP Mangaldan, malaking bagay ang pagkakaroon ng election gun ban upang masiguradong mabantayan ang publiko sa gitna ng umiinit na kampanya sa bansa.

Gayunpaman, sisiguraduhin pa rin ng awtoridad na walang maitatalang lalabag sa nasabing resolusyon.

--Ads--

Samanatala, ang mga hindi susunod sa nasabing oridinansa ay posibleng maharap sa kasong illegal possession of firearms at depende pa sa desisyon ng korte.

Paalala naman nito, siguraduhing huwag gumamit ng mga nasabing ipinagbabawal dahil aniya para naman ito sa kapakanan ng publiko.

via Bombo Justine Ramos