Very optimistic ang mga residente sa Estados Unidos na masusolusyunan ni US President-Elect Donald Trump ang mga major problems sa Amerika partikular na ang isyu sa immigration kung saan ay nalalapit na ang inagurasyon nito.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Russel Evan Ong – Estados Unidos sa nasabing bansa maraming plano at pangako si Trump na aniya ay magagawa niya lalo na at “a person of words and actions’ aniya si Trump.
Bukod dito ay naging mas affordable din ang cost of living noong unang panunungkulan nito bilang Presidente ng Estados Unidos kung saan bumaba ang presyo ng gasolina at pagkain.
Bagama’t ay maraming mga nababahala sa mas striktong pagpapasok ng dayuhan sa Amerika gayundin ang pagpapaalis ng mga illegal immigrants aniya ay wala namang dapat ikabahala lalo na kung nagtungo naman dito ng legal at walang criminal background.
Dahil dito ay marami naman aniya ang mga naghahanap ng spouses para magpakasal at manatili pa doon sa mas matagal na panahon habang ang iba naman ay maaaring mag-apply ng assylum.
Gayunpaman, isang mahalagang hakbang naman ito upang masecure ang border at masigurong legal ang mga naninirahan doon.
Tiwala naman si Ong na magagawa ni Trump ang kaniyang mga nagawa noon siya ay unang nanungkulan bilang Pangulo ng Amerika.