Siyamnapung Palestinong bilanggo ang pinalaya bilang bahagi ng unang yugto ng pinakahihintay na kasunduan sa tigil-putukan sa pagitan ng Israel at Hamas, ayon sa Israeli prison service.
Nitong Linggo, una nang pinalaya ng Hamas ang tatlong Israeli hostages sa Red Cross sa Gaza City ilang oras pagkatapos magsimula ang tigil-putukan, bago ito ipinasa sa militar ng Israel.
Ayon sa Israel, ang tatlong hostages ay nakabalik na sa teritoryo ng Israel.
--Ads--
Ayon sa Hamas, para sa bawat hostages na pinalalaya, 30 Palestinong bilanggo ang ilalabas mula sa mga kulungan ng Israel – ibig sabihin ay 90 na mga Palestinian ang inaasahang mapapalaya, ngunit wala pang tanda ng pagsasakatuparan nito.