DAGUPAN CITY- Pangkaraniwan na lamang ang Human metapneumovirus o HMPV at hindi na ito bago.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Glenn Joseph Soriano, US Doctor at Natural Medicine Advocate, ang HMPV ay isang virus na katulad ng ibang virus na maituturing na pangkaraniwan lamang.

Aniya, nakikita lamang ng mga researchers na may ilang pagkakaiba ito mula sa mga karaniwang virus.

--Ads--

Gayunpaman, marami rin itong pagkakatulad na sintomas tulad ng lagnat, baradong ilong, sore throat, at paghahabol ng hininga.

Kumakalat ito sa tuwing nagkakaroon ng close contact ang nagdadala nito sa iba pang mga tao at mga kagamitan na nahahawakan rin ng ibang tao.

Kaugnay nito, mahirap pa rin matukoy na dinadala na ito ng isang tao at kinakailangan ng 3-day period para matukoy ito. Kabilang na dito ang mababang lagnat at konti at dry na sipon.

Kaya aniya, dapat mapanatili ang hydration ng pasyente at mapanatili ang mababang lagnat upang bumilis ang paggaling.

Samantala, wala umano itong eksaktong gamot at ang tanging panglaban ng isang tao ay ang pagpapalakas nito ng immune system.

Ayon naman kay Dr. Soriano, madalas magkaroon ng kaso nito sa mga lugar na may pabago-bagong panahon.