Dagupan City – Tinitiyak ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office na ang kanilang mga rescuer ay laging handa sa anumang sakuna na posibleng dumaan sa lalawigan.

Ito ay sa pamamagitan ng pagsasagawa ng pagsasanay o ang Quarterly Physical Fitness at 1-Mile Swim training ng PDRRMO WASAR.

Layunin nito na mapanatili ang epektibo at mahusay na pisikal na kondisyon ng mga rescuer para sa mabilis at epektibong pagsasagawa ng rescue operations.

--Ads--

Patunay lamang ito na kanilang sinisiguro ang kaligtasan ng buong lalawigan Pangasinan sa anumang kalamidad o sakuna na maaaring maranasan.

Sa pamamagitan ng mga pagsasanay, napapabuti nito ang koordinasyon sa pagitan ng mga ahensya ng gobyerno, lokal na pamahalaan, at mga non-government organizations (NGOs).

Bagamat kumpleto ang ahensya sa mga kagamitan, ang kahandaan ay hindi lamang nakasalalay sa mga kagamitan, kundi pati na rin sa kanilang kaalaman at kasanayan.

Kaugynay din nito ang kanilang patuloy nilang paghihikayat sa mga residente na maging alerto at maghanda upang mapabuti ang kaligtasan ng bawat isa.