Inaasahang mas kakaunti ang dadalo sa inauguration ni Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos ito ay matapos na mapagdesisyunan na gaganapin ito indoor upang mas maging safe ang mga audience at hindi rin mahihirapan pagdating sa crowd control.
Ayon kay Bradford Adkins – Bombo International News Corespondent sa nasabing bansa na inaasahan na mas maayos ang daloy ng mga proceedings dahil mas kakaunti ang allowed na audience.
Aniya na mas magiging strikto din ang mga ito sa pagkuha ng mga tickets lalo na at magtitipon ang mga tao sa iisang bubong kasama ang Presidente.
Kung saan ibinahagi pa nito na ang nasabing ticket ay libre subalit depende sa lakas ng connection sa komunidad ang pagkuha nito.
Samantala, marahil sa parehong araw gaganapin din ang Oscars award ay inaasahan na rin na malabong makadalo ang mga malalaking artista o celebrities sa inagurasyon ni Trump.
Marahil papaalis na din si Biden sa kaniyang termino ay marami itong inihabol na batas na ani Adkins ang primary role ay harangin ang mga batas na ipapasa ni Trump subalit subject to veto pa ang mga ito.
Bagama’t ay pangalawang inagurasyon na ni Trump ito bilang pangulo ay may karanasan na ito pagdating sa nasabing procedure.